YAN-YAN'S HOMEMADE FOOD PRODUCTS

Contact information
YAN-YAN'S HOMEMADE FOOD PRODUCTS
VID_20250616_132822.mp4
VID_20250616_132728.mp4

Noong 2017, habang nag-uusap kami ng isa kong kaibigan na nasa Korea, napag-usapan namin kung anong negosyo ang puwedeng simulan kahit nasa bahay lang. Sabi niya, “Bakit hindi ka gumawa ng kimchi? Tuturuan kita.” Sa tulong niya, natutunan ko ang paggawa ng homemade Korean kimchi — at doon nagsimula ang Yanyans Homemade.

Sa una, para lang sa pamilya at kaibigan ang kimchi. Pero dahil sa dami ng natuwa at umorder, unti-unti itong lumago. Naisip ko, kung may tiwala sila sa gawa ko, bakit hindi ko subukan palaguin ito? At doon ko na rin isinunod ang ibang produkto gaya ng atchara, gourmet tuyo, crispy dilis, burong isda, at Spanish-style gourmet bangus.

Ang bawat bote ng Yanyans ay may halong tiyaga, pagmamahal, at alaala — mula sa kusina namin papunta sa inyong mga tahanan. Sa bawat timpla, ramdam ang malasakit at ang layuning maipreserba ang tradisyonal na lasa ng pagkaing Pinoy.

Ngayong 8 taon na ang Yanyans, patuloy pa rin ang aming paglago — sa mga bazaar, online selling, at pagsali sa mga programa para sa maliliit na negosyante. Pero kahit lumaki man kami, hindi magbabago ang aming pangako:
homemade goodness, lutong puso, at lasang hindi mo malilimutan

No posts found

Write a review